^

PSN Palaro

Philippines wagi ng 2 ginto, 7 pilak, 4 tanso

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbulsa ang national track and field squad ng dalawang ginto, pitong pilak at apat na tansong medalya sa 80th Singapore Open Track and Field Championships na ginanap sa National Stadium Singapore Sportshub.

Nanguna sa ratsada ng Pinoy squad sina University of Santo Tomas standouts Elbren Neri at Karen Janerio matapos mamayagpag sa kani-kaniyang paboritong events.

Pinagharian ni Neri ang men’s 800m run sa bendisyon ng isang minuto at 53.89 segundo habang nakumpleto ni Malaysia SEA Games silver medalist Marco Vilog ang 1-2 punch ng Pilipinas matapos kubrahin ang pilak sa bilis na 1:55.87.

Nakahirit pa si Neri ng tansong medalya sa men’s 1,500m run (3:59.34).

Sa kabilang banda, pinagreynahan ni Janerio ang women’s 200m dash sa pamamagitan ng 25.78 segundo.

Siniguro rin ni Ateneo de Manila University trackster Kimberly Zulueta ang dominasyon ng Pilipinas nang angkinin nito ang pilak bunsod ng naisumite nitong 26.23 segundo.

Nagkasya naman sa pilak na medalya si dating Asian Championships gold meda­list Marestella Torres-Sunang sa women’s long jump nang lumundag ito ng 6.06 metro distansiya sa likod ni gold medalist Par Chuaimareong ng Thailand na may 6.11m na naitala.

Wagi rin ng pilak sina Michael Del Prado sa men’s 400m hurdles (53.26), Edgardo Alejan Jr. sa men’s 400m dash (47.84), Mervin Guarte sa men’s 1,500m run (3:58.69) at ang women’s 4x100m relay (47.86).

Galing naman ang tanso kina Malaysia SEA Games silver medalist Mary Harry Diones sa men’s triple jump (15.88m), Evalyn Palabrica sa women’s javelin throw (46.39m) at Melvin Calano sa men’s javelin throw (63.69m).

vuukle comment

80TH SINGAPORE OPEN TRACK AND FIELD CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with