Ang mahiwagang itlog ni ate
Nakakaaliw pag-aralan ang egg ng mga kababaihan. Nalaman natin na ang itlog ng babae ang pinakamalaking cell sa katawan nito. Habang healthy at plenty pa ang egg cells ay puwede pang sumubok na mag-anak ang mga kababaihan. Dahil ang special na maliliit na itlog sa katawan ng babae ay makakabuo ng little baby sa pagsanib sa sperms ng lalaki.
Narito ang iba pang bagay tungkol sa itlog ni ate.
Karaniwan ang multiple Ovulation - Ito ay ang pagre-release ng dalawa o higit pang mature eggs sa isang cycle. Nangyayari ito ng hanggang 10% ng lahat ng cycles sa kanyang buong buhay na ibig sabihin ang isang babae ay nagre-release ng dalawang egg ng isang beses o higit pa kada-taon.
Kapag dalawang egg ang na-fertilize, ito ay nagiging kambal na tinatawag na fraternal twins.
Ang identical twins ay kung ang isang embryo ay nagiging dalawa.
Kapag may double ovulation occurs, nangyayari ito ng isang ovulation lamang, nagre-release ang eggs sa loob ng 24-oras. Kapag nagkaroon nang ovulation, nagkakaroon ng malaking hormonal shift -- tumataas ang produksiyon ng progesterone at ang release ng susunod na eggs ay napipigilan. Dahil dito, hindi puwedeng mag-ovulate ang isang babae ng Lunes at mag-o-ovulate uli ng Sabado.
- Latest