Ecstasy laboratory nalansag
MANILA, Philippines — Isang araw matapos ang matagumpay na raid sa isang shabu laboratory sa lalawigan ng Batangas, isa na namang drug laboratory na gamit sa paggawa ng droga partikular na ng ecstasy tablet ang nalansag ng mga awtoridad habang nasakote naman ang isang pinaghihinalaang Chinese drug trafficker at driver nito sa followup operations sa Malabon City nitong Biyernes.
Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief P/Director Gen. Aaron Aquino ang nasakoteng hinihinalang Chinese drug trafficker na si Jiang Minshan, 53 anyos, tubong Fujian, China at ang Pinoy na driver nitong si Lauro Santiago alyas Larry Santos, 59 taong gulang.
Bandang alas-7:00 ng umaga, ayon kay Aquino, nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) sa ilalim ni Director Ismael Fajardo, Jr., PDEA Special Enforcement Service (SES) sa pamumuno naman ni Director Levi Ortiz, PDEA Regional Office IVA (PRO-IVA)Intelligence at lokal na pulisya ang 3 storey na bahay sa kahabaan ng Dela Cruz Street, Barangay Tinajeros, Malabon City.
Ayon kay Aquino, ang nasabing drug laboratory ay ino-operate ng mga mi-yembro ng Hong Kong based Dragon Wu international drug syndicate na konektado naman sa Golden Triangle drug cartel na itinuturing na isa sa matinding mag-prodyus ng droga sa buong mundo at may operasyon naman sa mga hangganan ng Myanmar, Thailand at Laos.
Ang raid ay followup operation sa pagkakalansag ng shabu laboratory at bodega sa Ibaan, Sto. Niño, Batangas kung saan naaresto ang apat na Chinese che-mists sa lalawigan ng Tagaytay na mga miyembro ng Dragon Wu international drug syndicates na mga kasamahan ni Minshan.
Nakumpiska sa lugar ang bulto ng mga precursors sa paggawa ng ecstasy kabilang ang safrole na sangkap sa paggawa ng illegal na droga; amphetamine type stimulants at sari-sari pang mga kagamitan at apparatus sa drug laboratory .
Inihayag ng opisyal na may posibilidad na ang drug laboratory sa Malabon ay ginagamit na testing site ng sindikato sa page-eksperto ng iba’t ibang uri ng amphe-tamine-type stimulants.
Nabatid kay Aquino na nakipag-ugnayan ang Office of the National Narcotics Control Commission (ONNCC), Narcotics Control Bureau ng Ministry of Public Security, People’s Republic of China sa PDEA hinggil sa operasyon sa bansa ng mga Chinese chemists kung saan pitong buwang isinailalim ang mga ito sa surveillance operations.
Inihayag pa ng opisyal na base sa Chinese intelligence reports, ang shabu at ecstasy laboratories ay itinatag ng Hongkong-based drug kingpin/financier kung saan ang Pilipinas ang nais ng mga itong gawing merkado sa Asya at transshipment point ng synthetic drugs tulad ng shabu at ecstasy.
- Latest