Non-college grad ‘no way’ kumandidato
MANILA, Philippines — Hindi na papayagang kumandidato sa pagka-pangulo, bise presidente, senador at congressman ang mga non-college degree holders.
Ayon kay Eduardo Nachura, ex-associate chief justice ng Supreme Court at Consultative Committee (ConCom) member, nais nilang ipromote ang educational requirement hindi lang sa congressman candidates, gayundin para sa senator, vice president at president.
“In all proposals for national positions: congressmen, senators, president at vice president, kailangang may college degree or its equivalent,” pahayag ni Nachura.
Sa ilalim ng panukala ni Nachura, iiklian din sa apat na taon ang termino ng matataas na opisyal sa ehekutibo at lehislatura, gayundin ay isang beses na lang sila maaaring mare-elect.
Sa kasalukuyang konstitusyon, mayroong dalawang termino ang mga naturang opisyal, kung saan sa ilalim nito ay may anim na taong panunungkulan.
Bukod dito, irerekomenda rin umano ni Nachura ang tandem voting kung saan otomatiko nang uupo bilang bise presidente ang partner ng mananalong pangulo mula sa parehong partido.
“What the situation today will not happen dahil magkasama na ng partido. A vote for the president will also be a vote for a vice presidential candidate,” ani Nachura na sub-committee chairman ng binubuong federalism government.
Bibigyan din ng agarang posisyon sa Gabinete ang mauupong bise, habang ang mga miyembro ng Kongreso ay ihahalal ng kada federal regions.
Sa kabila nito nilinaw ni Nachura na pagbobotohan pa ng ConCom en banc sa Lunes ang draft ng kanyang bagong konstitusyon na irerekomenda sa Pangulo.
- Latest