^

PSN Showbiz

JaDine fans pinatulan ang ex ni James!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JaDine fans pinatulan ang ex ni James!

PIK: Inilunsad si Erwan Heussaff ng Tourism Promotions Board ni Cesar Montano nung kamakalawa ng hapon sa Rizal Park Hotel bilang Content Creator ng Buhay Carinderia… Redefined na isa sa mga proyekto ng Department of Tourism sa pakikipagtulungan ng Marylindbert International, Inc. ni Ms, Linda Legazpi. Gusto pang matuto ni Erwan ng mga Pinoy dish at isa sa nagustuhan niya ay ang mga Carinderia food kagaya ng Arroz Caldo na gustung-gusto raw nila ni Anne Curtis. Kaya sinundan ito ng tanong kung ito nga ba ang Arroz Caldo ang paglilihian ni Anne? “I don’t want to answer that,” nakangiting sagot ni Erwan. Masaya lang daw si Erwan na naging bahagi siya ng Buhay Carinderia…Redefined dahil marami pa raw siyang gustong matutunan sa mga lutong sariling atin. Sa mga pag-iikot niya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, gusto raw sana niyang matutunan ang luto sa Mindanao.“I need to learn more about Mindanao and Maranaw cuisine,” pakli ni Erwan.“I feel like everyone in the country doesn’t have enough access information or exposure to Mindanao cuisine and I would love in 2018, 2019 to be the year that kinda expose us up  and people come up with those dishes and will learn more from them,” dagdag niyang pahayag.

PAK: May pinatulan na namang isyu ang mga JaDine fans dahil sa meron daw sinabi ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco na tila ginagaya raw ni Nadine ang mga sinusuot nito.

Nagpiyesta na naman ang mga JaDine fans sa social media.

Pero sabi nga ni direk Antoinette Jadaone, da­pat na maging happy na lang daw ang lahat dahil maganda ang kinalabasan ng Never Not Love You na umabot na ng halos 80M ang kinita nito, at maganda ang feedback sa pelikula.

Sabi ni direk Antoinette; “Sobrang natuwa ako sa Never Not Love You. “Nung pinapanood ko yung edi­ting, natuwa talaga ako na ang galing talaga nila sa movie, lalo na si Nadine. Kasi si James naman nakitaan ko na talaga siya kahit dati pa na sensitive siya. Pinaka-natuwa ako kay Nadine.”

BOOM: R13 without cuts ang ibinigay ng MTRCB sa pelikulang Citizen Jake ni Atom Araul­lo at dinirek ni Mike de Leon.

Nag-post si direk Mike sa Facebook account ng naturang pelikula na nagpapasalamat sa ibinigay na rating ng MTRCB.

Mensahe ni direk Mike; “We would like to express our deepest gratitude to all those who have suppor­ted and are still supporting CITIZEN JAKE.

“May the film now be allowed to reach a wider audience.”

Ngayong araw nga ay ipalalabas ang naturang pelikula sa UP Los Baños na i-sponsor ng Upsilon Sigma Phi na kung saan brothers dito ang dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos at Ninoy Aquino.

Wala pa silang in-announce kung kailan ang showing nito sa commercial theaters. Pero ang tanong dito, palulusutin naman kaya ito ng pamilya Marcos?

Kung maipalabas ito sa mga sinehan, tingnan na lang natin kung paano ito tanggapin ng mga millennials na hindi nakaranas sa Martial Law at EDSA Revolution.

JAMES REID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with