^

PSN Palaro

Alab Pilipinas puro na

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Alab Pilipinas puro na
Si Renaldo Balkman ng San Miguel-Alab Pilipinas laban sa Hong Kong players.

MANILA, Philippines — Hindi na pinalampas ng San Miguel-Alab Pilipinas ang pagkakataon at pinataob ang nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions, 98-94 sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal series noong Miyerkules ng gabi sa S­outhorn Stadium sa Wan  Chai, Hong Kong.

Mas lalo pang hinigpitan ng tropa ni head coach Jimmy Alapag ang depensa upang makaganti sa kanilang dalawang talo sa Hong Kong Lions sa elimination round at humak­bang ang isang paa tungo sa best-of-five championship series.

Kumamada si Renaldo Balkman ng 46 puntos na may kasamang 14 rebounds, apat na assists, apat na steals at dalawang blocks para sa 1-0 bentahe ng Filipino team sa serye.

Ang 46 puntos ni Balkman  ang panibagong playoff highest scoring record ng ABL na bumura sa da­ting 45 ni Justin Howard ng Singapore Slingers noong nakaraang taon.

“We just came out and played hard. Every possession we have to keep playing hard on defense and we came together as a team. That’s what the playoff are all about. I told them we’re gonna put on a show when we come down here,” sabi ng 33-anyos na si Balkman ng Puerto Rico.

Mabagal ang umpisa ng tropa ni  Alapag kaya na­i­wanan agad sila ng mahigit 13 puntos, 23-10 sa unang yugto pero agad na nakabalik at umarangkada ang Filipino team sa pa­ngunguna nina Balkman at Justin Brownlee.

Sa iba pang semis match, sinorpresa rin ng fourth seed Mono Vampire Thailand ang top seed Chong Son Kungfu China, 103-94 para sa 1-0 bentahe  sa serye sa homecourt mismo ng kalaban nitong  Miyerkules rin ng gabi sa Nanhai, China.

vuukle comment

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with