^

PSN Opinyon

Pambabastardo sa Boracay

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang nabastardo ang isla ng Boracay, panahon pa nina FVR, Erap, GMA at P-Noy. Ang kaso, epekto lang ng problema ang nakikita.

Lumobo ang mga tao’t establisimentong ‘di sumusunod sa mga patakaran. Maraming negosyong nagsulputan na wala namang mga papeles. Tumbukin natin kung ano o sino ang dahilan.

Sa aking interview kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Spokesperson Jonas Leones, hinimay naming mabuti ang problemang ito. Malaki ang gampanin ng lokal na gobyerno sa naging lagay ng Boracay. Siyempre, nasa kamay nila ang pag-issue ng mga permit.

Panahon nina FVR at Erap, may mga ginawa ang gob­­yerno pero hindi sapat. Nang si President Arroyo na­man ang umupo, gumawa ng master plan para sa Boracay. Maganda raw sana ang gustong mangyari ni GMA. ‘Yun nga lang, patapos na ang termino niya.

Ang problema, hindi naman nasunod nung si P-Noy na ang umupo. Paliwanag pa ni Undersecretary Leones, dito lumobo ang bilang ng populasyon sa Boracay. Nag-flourish ang business, ika nga ni Leones.

Kung gaano karami ang kinita sa negosyo, ganundin ang naging epekto sa kalikasan. Pati mga wetlands na ‘di dapat pakialaman, tinayuan ng negosyo. Ibang usapan pa ang mga untreated waste water at basurang dala nila.

Bakit nakipasok ang mga ito? Anong ginagawa ng mga local politicians sa lugar?

Ngayon, maraming mga eng-eng na sinisisi si President Digong. Kung ‘di ba naman kayo mga sangkaterbang estupido. Nag-iingay para magkaroon ng kalituhan sa taumbayan. Malinaw naman ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon, linisin ang kalat na dulot ng iba.  

BORACAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with