^

Metro

24 na bagon ng LRT-1 kukumpunihin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng labis ng katan­daan at araw-araw na bumibi­yahe kaya isasailalim sa masusing pagkukumpuni o rehabilitasyon ang 24 na bagon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa pamunuan  ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), simula Hulyo ay aayusin at kukumpunihin ang halos 2 dekada na ang tanda ng mga tren.

Sinabi ng LRMC, gagastusan nila ng P450 milyon sa  pagkukumpuni sa generation-2 Light Rail Vehicles (LRVs)  na binili ng gobyerno.

Paliwanag ng LRMC, hindi naman maaapektuhan ng rehabilitasyon ang biyahe ng LRT-1 dahil tatakbo pa rin ang 95 na generation 1 at 3 trains.

Nabatid mula kay Rochelle Gamboa, tagapagsalita ng LRMC, unang sumailalim sa  sa overhaul ang 51 generation-1 trains noong 2007, ma-ging ang 44 generation-3 trains noong 2008.

Papabilisin din ang andar ng mga matitirang tren para hindi humaba ang pila sa mga istas- yon ng LRT-1 at bilihan ng ticket.

Naka-schedule na rin aniyang bumili ang Department of Transportation  (DOTr) ng 120 bagong bagon para sa LRT-1.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosvelt Avenue, Quezon City patungo ng Bac­laran Parañaque City at vice versa.

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

REHABILITASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with