Sharon at Gabby pera ang ‘di pinagkasunduan!
Pasensiya na po, pero hindi kami naniniwalang billing lamang ang problema sa pagkaka-junk ng pelikulang gagawin sana nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Siguro nga totoong nagkaroon ng separate offers sa kanilang dalawa, at may tumangging parte, pero hindi kami naniniwalang billing lang iyon. Hindi puwedeng hindi magawan ng paraan kung billing lang.
Ang alam namin, noong sila ang unang mag-usap, may proposal yata si Gabby na kung gagawa man sila ng pelikula ay sa isang neutral producer, iyong hindi identified sa kanino man sa kanila para mabigyan ng proteksiyon ang interest ng isa’t isa. Kung hindi naman, sila na lamang ang mamuhunan at mag-produce ng sarili nilang pelikula. Bale co-producers sila.
Noon namang pumasok na nga ang Star Cinema, isa sa proposal ni Gabby ay iyon sanang kikitain nila sa pelikula, maibigay sa kanilang anak na si KC bilang bahagi ng kanyang mana. Aminin natin, inaasahang malaki ang kikitain ng pelikula. Ang gustong mangyari ni Gabby, si KC lang ang makinabang noon at hindi ang iba pang anak ni Sharon, o sino mang iba pa. At the same time, hindi rin naman masasabing nagamit iyon sa ibang mga anak ni Gabby at sa iba pa.
Pero siyempre naroroon din naman iyong question na “ano pa nga ba ang pakialam mo sa kikitain ko sa pelikula?” Halimbawa gusto man ni Sharon na magamit din iyon sa kapakanan ng iba niyang mga anak, o iba pang interests, sino nga ba ang dapat makialam.
Kaya ang naging attitude ni Sharon, kung ayaw mo huwag. Huwag ka nang gumawa pa ng kung anu-anong kundisyon.
Pareho mo naman sila hindi masisisi kaya mabuti pa nga huwag na lang gawin ang pelikula nila. Huwag na tayong magkunwari pa, hindi maganda ang kanilang naging paghihiwalay. Hindi rin naging maganda ang kanilang pagtuturingan nang mahabang panahon pagkatapos noon. Palagay namin kahit sabihing civil sila sa isa’t isa, hindi mo talaga maaasahan iyong magandang samahan agad ngayon.
Nagmumukha tuloy mga tanga mga singer nakikisawsaw sa isyu ng mga batas!
Iyon sanang mga artista na walang nalalaman, at hindi nakakaintindi kung ano ang batas, at ni hindi alam kung ano ang kaibahan ng isang kaso ng impeachment at writ of quo warranto, huwag nang magpo-post sa social media dahil nagmumukha lang silang tanga.
Huwag makikialam sa hindi mo naiintiNdihan, lalo na iyan ay isang usaping nasa pinaka mataas na korte ng bansa. Hindi na trabaho ng mga singer o musician ang makialam diyan.
Gumawa kayo ng musika ninyo para kumita kayo. Iyong hindi na ninyo dapat pakialaman, huwag na ninyong pakialaman.
- Latest