^

Pang Movies

Nakasungkit ng panalo sa New York

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dalawang tropeyo ang naiuwi ng GMA News & Public Affairs sa katatapos na 2018 New York Festivals Television & Film Awards na ginanap last Tuesday night sa Las Vegas, Nevada.

Unang nanalo ng Silver Globe Medal ang docu-drama na Alaala: A Martial Law Special. Personal na tinanggap ni Alden Richards ang parangal na dumalo sa awards night.

“Thank you to the New York Festivals for this great recognition,” tweet ni Alden.

Winner din si Jessica Soho ng Bronze Medal sa Best News Anchor Category para sa news program niyang State of the Nation. Present si Jessica sa awards night na buong ningning na ipinagmalaki ang tropeyo.

Congratulations, Kapuso!

Sharron-Gabby movie diretso na sa basurahan?!

Billing daw ang naging problema kaya hindi natuloy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ang babaw naman kung totoong ‘yun ang rason, huh!

Kumbaga, hindi na kapwa bata sina Sharon at Gabby para pag-awa­yan pa kung kaninong pangalan ang mauuna sa billing. Hayaan na lang ‘yan sa mga insecure na mga artista!

Of course, hindi natin alam ang buong katotohanan sa pagkakaligwak ng Sharon-Gabby project. Basta sa isang Instagram post ng megastar last March, wala nang aasahang movie nila ng ex-husband.

Sa isang interview naman kay Gabby, wala sa kanya ang problema.

Naku, ibasura na ‘yang Sharon-Gabby movie dahil puro kanegahan ang nangyayari eh hindi pa nagsisimula, ‘no? Tama na ‘yung TV commercial nilang sila ang bida, huh!

Amo ni Derek pini-petisyon sa Netflix

Sumabay sa paglayas ni Derek Ramsay sa TV5 ang mga sunud-sunod na panawagang kanselahin ng Netflix ang drug series niyang ginawa for Kapatid Network, ang Amo.

Unang nagpetisyson ang isang Luzviminda Siapo, ina ng labing siyam na taong gulang na si Robert Siapo, na napaslang dahil sa umano’y pagbebenta ng marijuana. Nangangalap ng maraming signatures ang ina bago niya ihain ang pormal na petisyon.

Sinundan ng human rights advocates groups ang petisyon ni Ginang Siapo gaya ng Akbayan Group, FLAG (Free Legal Assistance Group) at DAKILA organization ayon sa naglabasang reports.

Dinirek ni Brilliante Mendoza ang Amo na kilalang supporter ni Presidente Digong, pero wala pa siyang reaksyon tulad din ng TV5 at Netflix.

JESSICA SOHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with