Maling ginagawa sa balat na nakaugalian na
Marami sa atin ang may nilalagay na skincare tips para sa ating mahal na kutis.
Ariyan ang iba’t ibang produkto na pinapahid sa ating mukha pagkatapos o bago maglagay ng make up ganun din sa mga panahon na ipinagpapahinga natin ito sa kolorete ng ating balat.
Pero alam n’yo ba na minsan ay mali pala ang inakala nating tama? Narito ang ilang example:
1. Hindi pagtatanggal ng make up bago muling maglagay nito – Payo ng beauty experts na ugaliing linisin muna ang mukha bago magsimula sa kait na anong routine.
2. Paggamit ng maling cleanser – Ang normal pH level ng ating skin ay around 5.5 kaya alin mang pH level na mas mataas ay pwedeng ikasira ng ating balat.
3. Hindi paggamit ng toner pagkatapos maghilamos – Mahalaga ang paggamit ng toner dahil inihahanda nito ang balat sa paglalagay ng moisturizer. Tinatanggal nito ang chlorine na maaaring present sa tubig na ipinanghilamos.
4. Pagputok ng taghiyawat – Maling-mali ito dahil ikinakalat lamang nito ang dumi sa ating balat. Mas makabubuti kung gagamit ng special treatments para sa acne.
5. Hindi paggamit ng sunblock – Kailangan ito ng ating balat kahit hindi tayo naka-expose sa araw. Pinababagal nito ang pagkulubot ng balat na epekto rin ng sobrang pagkababad sa sunlight.
- Latest