^

PM Sports

Petron pinitas ang ‘twice-to-beat’

Francisco Cagape - Pang-masa
Petron pinitas ang ‘twice-to-beat’
Hinatawan ni Cocolife import Sara Klisura ang depensa ng Petron.

MANILA, Philippines — Ginamit ng Pet­ron ang kanilang eksper­yensya para pataubin ang Cocolife, 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13, para masungkit ang pang-siyam na pana­lo sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nangibabaw ang ta­lento ni Ame­rican import Lindsay Stalzer sa fourth set sa pamama­gitan ng paghataw ng tat­long su­nod na atake upang ta­pusin ang laro sa mahigit dalawang oras at 30 minuto.

“We have  come into this game knowing that we should win now. We played hard point for point and took advantage of every opportunity,” sabi ni Stalzer

Umiskor si Stalzer ng 22 puntos kabilang ang 21 atake at isang ace.

Si American import Hillary Hur­ley ay nag­dag­dag ng 11 atake, isang ace at isang block para sa Blaze Spikers.

Umani si Dimaculangan ng 40 excellent sets at dalawang atake para sa pagbangon mula sa kanilang straight sets loss sa Sta. Lucia Lady Realtors, 18-25, 21-25, 17-25, noong Huwebes.

Bukod kay Dimaculagan tumulong din ng walong atake, dalawang blocks at dalawang aces si Mika Reyes.

Humataw naman ng 20 puntos kabilang ang 19 atake at isang ace ang bagong import na si Marta Drpa ng Serbia, ngunit ang kanyang pagsisikap ay hindi pa sapat para maiwasan ang ikaapat na talo sa 10 laro ng Asset Mana­gers.

LINDSAY STALZER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with