^

PSN Palaro

Stalzer ibinangon ang Blaze Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(FilOil Arena)

4:145 p.m. Cignal vs Generika

7 p.m. Sta. Lucia vs Smart

MANILA, Philippines — Nakabangon ang Petron sa dalawang sets na pagkakalugmok para itakas ang 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13 panalo laban sa Cocolife kahapon sa Philippine Superliga Grand Prix sa  FilOil Flying V Centrer.

Hindi hinayaan ni team captain Lindsay Stalzer na muling makatikim ang kanyang tropa ng kabiguan nang pamunuan nito ang Blaze Spikers tangan ang 22 puntos mula sa 21 attacks at isang ace.

“We just knew that we need to win this game. We just took it one point at a time and took every opportunity,” wika ng American open hitter na siyang kumana ng tatlong huling puntos ng Blaze Spikers.

Inilatag din ng beteranong playmaker na si Rhea Dimaculangan ang malalim na karanasan nito matapos magrehistro ng 40 excellent sets para sa Blaze Spi­kers na sumulong sa 9-1 baraha.

“Nag-usap-usap kami na kailangan naming tulungan yung imports namin. Kailangan naming mag-step up sa bawat laro at patunayan na kaya rin namin gawin yung ginagawa ng imports namin,” sambit ni Dimaculangan.

Ang panalo ang nagsilbing pambungad ng Petron sa bagong import ng Cocolife na si Marta Drpa na tila nangangapa pa sa sistema ng laro ng kanyang katropa.

Ngunit nakita ang puwersa ni Drpa na hindi lamang nagtataglay ng matatalim na atake kundi pati ang talino at husay sa ball placement.

Gayunpaman, hindi sapat ang pinagsikapan nina Drpa at Sara Klisura para makuha ang panalo.

Nakabaon ang Petron sa 1-2 pagkakalugmok matapos ang third set.

Kaya’t mas mainit na ratsada ang pinakawalan nito sa ikaapat na kanto sa likod nina Stalzer at Hillary Hurley katuwang sina Ces Molina, Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas para pigilan ang Asset Managers at maipuwersa ang deci­ding fifth set.

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with