^

Bansa

Bato naghahanda na sa drug war sa Bilibid

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bato naghahanda na sa drug war sa Bilibid
Ito’y kaugnay ng napipinto nitong pag-upo bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghahanda na si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa sa panibagong giyera kontra droga sa loob ng New Bilibid Pri­sons (NBP).

Ito’y kaugnay ng napipinto nitong pag-upo bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni dela Rosa na handa na siya sa hamon sa kanilang panibagong tungkulin na ibinigay sa kaniya ni Pangulong Duterte upang supilin ang droga sa Bilibid.

“I will not give you the details but I will tell you, mark my word I will succeed. I will not let drug lords to win over me. As to how I will do it, just extend your wild imagination,” ani dela Rosa.

Sa Abril 19 ay isasalin na ni dela Rosa ang kapangyarihan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na siyang nahirang ni Pangulong Duterte na pumalit rito sa puwesto.

Inihayag ni dela Rosa na kapag naupo na siyang BuCcor chief ay panunumpain niya sa Bibliya ang mga drug lord na nakapiit dito na hihinto na sa kanilang iligal na aktibidades.

“I will let them swear before the Bible that they will stop so that if they continue with it they will be facing sins here on earth and in heaven,” anang PNP Chief.

Binalaan din ni dela Rosa ang iba pang mga inmates sa Bilibid na huminto na bago pa man niya ang mga ito tulu­yang pahintuin.

“Stop it before I will stop you,” anang PNP chief.

NEW BILIBID PRI­SONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with