^

Kutob

Abril 11, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Maging tapat. Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para mag-kunwaring masaya. Hindi makakabuti ang mabuhay sa pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at brown.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) Handa ang sarili sa anumang hamon o pagsubok. Positibo ang pag-iisip kaya kahit ano ang gawin, positibo ang resulta. Walang pagkukunwari at hindi plastic. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 44 at green.

GEMINI  (May.21-Hun. 21) Magandang balita ang matatanggap at tiyak masaya. Maghanda dahil ang kasiyahan ay may maitim na ulap ng kalungkutan o hinanakit ang papalit. Tatagan ang sarili at huwag magpadala sa emosyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Manatiling kalma. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalong magdudulot ng pagkakalito. Resulbahin ang suliranin sa mahinahon at maayos na paraan. Madaling maaayos ang suliranin kung hindi magpapanik. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at red.

LEO  (Hul. 23-Ago. 22) Utak ang paganahin hindi ang emosyon. Bagama’t mabigat ang timbang ng puso, higit na may kapangyarihan ang isip. Mahalaga sa larangan ng pag-ibig na parehas na gumagana ang isip at damdamin. Tuklasin kung papaano ang puso at isip ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at jade green.

VIRGO (Ago. 23-Set.23) Suliranin sa pag-ibig ang magbibigay tamlay kung sa kakaisip, walang saysay ang buhay at nagkakamali ka. Kung utak at hindi puso ang gagamitin nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Kung puso at hindi utak ang paiiralin talo ka. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at gray.

LIBRA (Set.  24-Okt. 23) May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Iwasan ang magpadalus- dalos ng desisyon. Isaisahin ang hakbang hanggang makamit ang pakay. Kumunsulta sa kaibigan, kasambahay o magulang tungkol sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay neon green.   

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Himala dahil marunong ka makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang hinahanap ng mga kaibigan at kasamahan. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong dadami ang magiging kaibigan. Panahon ng pagbabago sa ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at orange.   

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may taglay na suliranin. Matutuwa ang mapagsasabihin dahil alam na hindi ka nagtatago ng sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at fuchsia.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Kung kahirapan ang dinaranas ngayon, bukas kamakalawa ay giginhawa. Dagdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga, at tiyak  makakamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.  

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Anuman ang gawin, tiyak maganda ang kalalabasan. Iwasan ang magtaray dahil sa halip na maaaring maging kaibigan ay siya pang makakaaway. Mag-ingat sa bibitiwang salita baka makasagupa ng makakaaway. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow.   

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Ang akalang kay hirap gawin ay madali lang pala kapag nasimulan na. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita na magiging masaya ang bawat saglit sa paggawa. Kung ano ang iniisip, kilos ng makita ang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at cream.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with