^

Metro

3 kidnaper timbog; Japanese, 1 pa nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 kidnaper timbog; Japanese, 1 pa nasagip
Iprinisinta kahapon ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City ang tatlong umano’y kidnaper na sin Miyashita Takashi, Japanese national at fugitive at mga kasabwat na magkapatid na sina Roberto Reyes at Reggie Reyes matapos na madakip sa serye ng operation ng PNP-AKG sanhi ng pagkakasagip sa dalawang kidnap victim na sina Yuji Makajima at Vergel Lumague.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Japanese national at isang Pinoy na dinukot habang arestado ang tatlong kidnapper sa isinagawang serye ng operasyon sa Plaridel, Bulacan, Pasig at Parañaque City nitong nakalipas na linggo.

Iprinisinta kahapon nina PNP Chief P/Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa at PNP-AKG Chief P/Sr. Supt. Glenn Dumlao ang na­sakoteng mga suspek na sina Miyashita Takashi, isa ring Hapones at pugante; Roberto Reyes at kapatid na si Reggie Reyes sa follow-up operations sa Parañaque at Santolan, Pasig.

Ayon kay dela Rosa sa tulong ng Japanese Embassy­,  matagumpay na nailigtas ang mga kinidnap na biktima na sina Yuji Nakajima, 32 at isang Vergel Lumague sa rescue operation sa Plaridel, Bulacan nitong linggo.

Nabatid kay PNP-AKG Di­rector P/Sr. Supt. Glenn Dumlao na si Takashi, isa ring negosyante ang nag-set up upang makidnap si Na­kajima, at kasabwat ang dati nitong kasosyo sa negosyo na si Yusoke Obara. Si Obara­ ay kasama ni Nakajima nang dumating sa Pilipinas noong Marso 22, 2018.

Ayon kay Dumlao, ang biktimang Hapones ay ipinahamak ng kaibigan nito kaya nakidnap ng mga suspek na naghiganti umano dahil sa namagitang sigalot sa kanilang negosyo.

Lumilitaw na ang magkapatid na Reyes ang su­mundo kay Nakajima sa tinutuluyan nitong hotel kung saan sinabing sasamahan siya papunta kay Takashi na nais makipag-usap sa huli. Samantalang tumawag pa umano si Nakajima kay Yusoke na sinabing sumama siya sa magkapatid na Reyes kung saan dinala siya at ikinulong sa isang bahay sa Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Dumlao, dito na nagsimula ang negosasyon kung saan humihingi ang mga kidnappers ng ransom kapalit ng kalayaan ni Nakajima pero hindi na tinukoy ng opisyal kung magkano ang nasabing halaga.

“Through sa tawag nila sa pamilya at Japanese Embassy­ doon  na nagkaroon kami ng vital information,” dagdag pa ni Dumlao na sinabing ang mga suspek ay may mga decals at IDs ng National Bureau Investigation (NBI).

Nabatid na dakong alas-2 ng hapon noong Abril 5, humingi ng tulong si Supt. Takayashi Nakayama at tatlo pang kinatawan ng Japanese Embassy sa PNP-AKG matapos na makatanggap ng impormasyon sa kina­ro­­roonan ng mga kidnappers­. Ikinasa agad ang rescue operation at nasagip bandang alas–3 ng hapon sina Nakajima at Lumague sa Plaridel, Bulacan.

Samantalang matapos ang debriefing sa mga nasa­gip na bihag, nasakote ng mga sumunod na araw ang tatlong suspect sa serye ng operasyon sa Evangelista St., Santolan, Pasig City at Parañaque City.

Sa kasalukuyan, pinag­ha­hanap pa ng PNP ang da­lawa pang Pinoy na suspek at ang Hapones na si Yusoke.

PNP-ANTI KIDNAPPING GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with