^

Bansa

Tungkulin ng gobyerno pag-aralan ang TRAIN, protektahan ang mahirap sa mataas na presyo – Bam

Pilipino Star Ngayon
Tungkulin ng gobyerno pag-aralan ang TRAIN, protektahan ang mahirap sa mataas na presyo – Bam

MANILA, Philippines – Hinikayat ng isang senador ang mga kapwwa mambabatas na muling pag-aralan ang Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa dagdag na excise tax.

Naghain si Sen. Bam Aquino ng Senate Resolution No. 704 na mag-iimbestiga sa epekto ng TRAIN sa inflation at sa ekonomiya.

"It is our duty to ensure all reforms benefit our countrymen and do not make life more difficult for Filipino families," wika ni Aquino na kumontra sa pagpasa ng TRAIN Law.

"Kailangan suriin muli ang TRAIN. Maging bukas tayo sa pagsuspindi sa excise tax kapag nakitang nakasasama na ito sa kabuhayan ng mga Pilipino," giit ng senador.

Ipinunto ni Aquino na inaprubahan ng Kongreso ang dagdag na excise tax sa TRAIN Law dahil sa ibinigay na katiyakan ng Department of Finance na hindi hihigit sa 0.7 percent ang epekto nito sa inflation.

Subalit iniahayg ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation rate noong Marso ay umakyat sa 4.3 porsiyento, mas mataas sa prediksiyon ng pamahalaan na dalawa hanggang apat na porsiyento.

“Huwag nating hayaang lumala pa ang kahirapan at pagkagutom ng mga Pilipino,” wika ng senador na matatapos na ang termino sa susunod na taon.

 

TRAIN LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with