“Rubbing salt to injury”
Si Leo Austria ay isa sa mga pinaka-accommodating na coach sa PBA sa pagtanggap ng interview sa sports media – maging talo o panalo sa laro.
At kadalasan, sasabihin niya ang gusto niyang sabihin prangka at walang paliguy-ligoy.
Gaya nang sa kanyang nakikita sa kanilang susunod na title defense sa parating na PBA Commissioner’s Cup.
Aniya maganda ang kanilang hinaharap dahil “dalawa” raw ang kanilang import.
“Isa galing sa US, isa galing sa Hong Kong,” ani Austria, excited sa nalalapit na pagdating ni Christian Standhardinger sa pagtatapos ng kanyang paglalaro sa Hong Kong Eastern team sa Asean Basketball League.
Yun nga lamang, may mga sentimyento siyang natapakan.
“Parang import talaga ‘yon. Kaya nga nakapag-spark ng malaking gusot sa liga ang paglipat ng kanyang signing rights sa San Miguel. Powerhouse na ang San Miguel sa kanila pa napunta ang top draft pick,” ani ng isang coach. “Yung statement ni coach Leo rubbing salt to injury.”
Sa interview pagkatapos masungkit ang Philippine Cup crown, makailang beses nabanggit ni coach Leo na parang dalawang import ang sasandalan nila sa susunod na tournament.
“The imports (of the other teams) could stop June Mar, but we would have two imports to support the team. So we’re confident we can win a championship if given a chance,” ani Austria.
“The team is excited to welcome Standhardinger. Alam namin malaki maitutulong niya. May mga nagsasabing magkakaroon kami ng problema. Ang sabi ko naman good problem dahil usually seven to eight players lang ang gamit ko sa important games. Lalalim ang rotation ko ngayon,” diin ni Austria.
Sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Standhardinger at ang import na si Troy Gillenwater ang bubuo ng halimaw na frontline ng San Miguel. At once na available na ang kanilang champion import na si Charles Rhodes, babalik siya para palitan si Gillenwater. Maaari ring maging pamalit na import si Renaldo Balkman.
Ngayon pa lang, inaasahan ng title contender pa rin ang San Miguel sa Commissioner’s Cup.
- Latest