'Sexism' sa ilalim ng administrasyong Duterte sumisiklab – Hontiveros
MANILA, Philippines — Humaharap ang mga kakaibahan sa bansa sa malawakang “sexism” o “pagka-poot” sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.
Sa pagdiriwang ng International Women’s Day, nagbabala si Hontiveros, pinuno ng Senate Committee on Women, sa publiko sa aniya'y bagong pagsiklab ng “sexism” sa bansa kasunod ng mga pahayag ni Duterte laban sa mga kakaibahan.
"We are witnessing an outbreak of sexism and misogyny under this two-year old administration.
In all three branches of the government, we are seeing an epidemic of sexism that is state-sponsored, brazen and relentless," banat ni Hontiveros ngayong Lunes.
"This fresh wave of sexism under President Duterte mocks and shames women in general, but it has profound disdain reserved for women in government who dare stand up against abuses," dagdag niya.
Kabilang umano sa mga pahayag ng pangulo laban sa mga kababaihan ang banta na kanyang ilalabas ang umano'y sex video ni Sen. Leila De Lima, ang kanyang pahayag na “a pair of nice knees” para kay Bise-presidente Leni Robredo, mga biro tungkol sa panggagahasa sa harap ng militar, at ang pinakabagong utos ng pangulo sa sundalo na birilin ang mga babaeng rebelde sa mga pribadong parte ng kanilang katawan.
Sinabi pa ni Hontiveros na kada buwan ay mayrooong “sexist” na pahayag si Duterte at hindi pa kabilang ang ilan sa kanyang mga pahayag na hindi naririnig ng publiko.
"The President's spin doctors would like the public to believe that his statements are harmless banter by a leader who simply loves to joke. They said that we should judge his actions and not his words. But language is a powerful medium where sexism, gender discrimination and even violence against women are committed and replicated," sambit ng senadora.
Maihahalintulad din ayon sa senadora ang nasabing mga "malisyosong" pahayag ng pangulo sa tuwirang pag-atake sa mga kakaibahan partikular sa kanyang mga kritiko.
"President Duterte's sexist comments carry weight... The Vice President became the victim of a nasty pregnancy rumor, Senator De Lima was slut-shamed in Congress and unjustly incarcerated, the Supreme Court Chief Justice and Ombudsman are both threatened with impeachment, students from St. Scholastica's College who joined rallies were harassed online, and I, myself, am being legally harassed by the Secretary of Justice," ani pa ni Hontiveros.
Katulad din aniya sa panghihikayat ng pangulo sa mga patayan sa bansa ang kanyang mga pag-atake laban sa mga kababaihan.
"This sexism outbreak must be contained and stopped. All women need to say 'no' and push back,” panawagan ni Hontiveros. Isinusulong din niya ang pagpasa sa Senate Bill No. 1326 o ang Safe Streets and Public Spaces Act of 2017 na naglalayong maparusahan ang pangmo-molestiya dahil sa kasarian sa mga pampublikong lugar.
"Through this measure, we hope to progressively change the people's language habits, prevent different forms of gender-based harassment and convince the public of the positive effects of gender-sensitive expression," pahayag ni Hontiveros.
- Latest