^

Bansa

Robredo bukas sa pagtakbo sa 2022

Pilipino Star Ngayon
Robredo bukas sa pagtakbo sa 2022

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ni Bise Presidente Leni Robredo ang pintuan sa pagtakbong muli sa 2022.

Sinabi ni Robredo na dalawang beses na niyang kinontra ang sarili nang sabihin niyang hindi siya papasok sa pulitika.

“I no longer want to make a final word because before, I already took back what I’ve said, twice,” wika ni Robredo sa CNN Philippines nitong Biyernes.

“When I was being asked to run in 2013, I said, ‘over my dead body,’ but I ran. When they were pushing me for the vice presidency, I said, “I will not do it,” dagdag niya.

Bago naging bise presidente ay naging kinatawan muna ng Camarines Sur si Robredo kasunod ng pagkasawi ng kaniyang asawa.

Ngunit malayo pa ang 2022 at sa kasalukuyan ay may kinakaharap na electoral protest si Robredo na inihain ng talunang kandidato at dating Sen. Bongbong Marcos.

Magsisimula sa Marso 19 ang manual recount ng tatlong lalawigan – ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

2022

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with