NPA terrorists demoralisado na
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na maramihang pagsuko ng mga opisyal at miyembro ng New People’s Army (NPA) terrorists sa bahagi ng Eastern Mindanao ay demoralisado na ang hanay ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army (CPP-NPA).
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesman Major Ezra Balagtey, simula Disyembre 21, 2017 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 39 NPA regulars, 179 Milisya ng Bayan, 73 Sangay ng Partido at 576 mass supporters ng NPA ang sumuko sa tropa ng Army’s 1001st Infantry Brigade.
Narekober din ng tropang gobyerno ang nasa 15 mga armas at siyam namang improvised explosives.
Kabilang sa mga nagsisuko ay 16 personalidad na may mataas na posisyon sa partido ng NPA terrorist tulad ni Ka Anthony, Commanding Officer ng Sandatahang Yunit Pampropaganda ng Guerilla Front 2, Ka Charry, Vice Commanding Officer ng Pulang Bagani Company 8 at ka Dindo, Political Instructor ng Guerilla Front 33.
Ang mass surrender ng teroristang grupo ay bunga ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Panacan Davao City noong Disyembre 21, 2017 kung saan nakipagdiyalogo ito sa 700 mga dating rebelde na binigyan ng livelihood program para makapagsimulang magbagumbuhay.
Karamihan sa mga nagsisuko ay napagtantong mali ang ideolohiyang ipinaglalaban na sumuko na sa matinding hirap na tinitiis sa kabundukan.
- Latest