Marami pang mamamatay!-Duterte
MANILA, Philippines — Marami pa ang mamamatay at magiging madugo ito kapag nahalal sa darating na barangay elections ang mga kandidatong sangkot sa droga.
Ito ang naging banta at mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang panauhin pandangal na sa National Special Weapon and Tactics (SWAT) Challenge sa Davao City kamakalawa ng gabi.
Hindi umano niya papayagan na mamayagpag ang mga barangay officials na sangkot sa illegal drugs.
“So I say,‘Mag-eleksyon, okay. Inyong decision ‘yan. But remember that the drug situation is still very, very alive and vicious. So kung manalo ‘yang mga barangay captains, na-back up ng drug money, eh panibagong away ‘yan. Panibagong patayan na naman ‘yan,” giit ni Pangulong Duterte.
“Hindi ko sinasabi na walang election o may election. But I will never, never until the end of my term, to the last day, allow a government official to use his power or position as a platform to engage in criminality, especially drugs. Hindi ko talaga tatanggapin ‘yan. Let us be sure on that,” dagdag pa ni Duterte.
Nilinaw pa ng Pangulo, nasa desisyon ng Kongreso kung muling ipagpapaliban nila ang nakatakdang barangay at SK elections pero mas gusto niyang matuloy ang nasabing halalan.
“Alam mo na, maraming bright dito sa Pilipinas eh. So many brights na nagpa-iwan. Akala nila tayo na lang ang bugok (You know, there are many brights here in the Philippines, so many brights that they think we are stupid),” dagdag pa ng chief executive.
- Latest