^

PM Sports

Quezon City natakasan ang Caloocan

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor si Joco Tayongtong ng 11 puntos sa ika-apat na yugto para makaeskapo ang Quezon City Capitals sa 90-89 panalo laban sa Caloocan Supremos sa  pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup noong Huwebes ng gabi sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nagtulung-tulong sina Tayongtong at Andrew Estrella para habulin ang mahigit 29 puntos deficit upang maitala ang kanilang pang-limang panalo sa pitong laro at umakyat sa solo second sa likuran ng nangunguna at walang talong Batangas Athletics na hawak ang 6-0 win-loss kartada.

Mabagal ang umpisa ng QC Capitals kaya naiwanan agad sila 9-31 sa unang yugto pa lamang, ngunit nang makuha na nina Tayongtong, Estrella at Jomar Santos ang kanilang rhythm, tuluy-tuloy na rin ang ratsada tungo sa pagbigay ng pang-anim na talo sa Supremos sa pitong laban.

Si Tayongtong ay umani ng 11 sa kabuuang 20 puntos sa fourth period na may kasama pang dala-wang rebounds at anim na assists habang si Estrella ay tumipa rin ng 20 puntos at 16 puntos at 14 rebounds naman mula kay Santos bukod pa sa 11 puntos habang may 14 rebounds din si Jay Collado.

Sa iba pang laro, nagwagi rin ang Valenzuela Classics laban sa Parañaque Patriots, 80-75 para sa 4-2 record na naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa Muntinlupa Cagers sa ikatlong puwesto sa parehong 4-2 slate.

Pinangunahan ni Jeff Javillonar ang Valenzuela sa kanyang double-double performance sa 23 puntos at 11 rebounds habang si Gabriel Dagangon ay umani ng 19 puntos at limang rebounds para sa Patriots.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with