^

Punto Mo

Muntinlupa City Masonic Lodge 414

Butch M. Quejada - Pang-masa

NGAYON umaga ang public installation ng mga newly elected and appointed officers for 2018 - 2019 ng dakong alas- 9:00 AM at Muntinlupa Masonic Temple, Emerald Hills, Victoria Homes, Tunasan, Muntinlupa City.

Ang mga ihihirang na mga bagong opisyal ng Muntinlupa City Masonic Lodge 414 sa ibinigay na ulat ng Probinsianong Mangyan ng Mindoro na si VW Bro. Biyong Garing ay sina Willie Magpantay, Worshipful Master;  Ryan Calvin Morga, Senior Warden; Eduardo Belarmino; Treasurer, Edgardo Magpantay; Secretary, Rodolfo Cañido; Auditor, Raymundo Noble.

Ang installing officer ay si VW Bro. Sixto Esquivias 1V, Master of Ceremonies VW Bro. George Brown, Asst. Master of Ceremonies, Greg Cayabyab, Installation Director, Jun San Luis. Guest of Honor and Keynote Speaker, MW ABRAHAM ‘Bambol’ SARMIENTO.

Kaya gayak na at magpunta dito! 

Dahil kay Digong gobierno todo aksyon sa Boracay MUKHANG magdedeklara ng state of calamity si DENR Secretary Roy Cimatu dyan sa Boracay island dahil sa mga environmental issues dito matapos silang magkita-kita sa mata este mali magpulong pala ng Department of Tourism at DILG.

Si DILG officer-in-charge Eduardo Ano, ang nagpalutang ng kuru-koro tungkol sa declaration of war este state of calamity pala sa Boracay na malamang katigan naman ng dalawang ahensiya sa itaas.

Hindi na kasi malunok ng gobierno ang nangyayaring kabantutan, dumi at mga paglabag nang ilang business establishments sa isla ng Boracay. 

Kapag kasi pinatagal pa ang  mga kapalpakan dito at hindi maaksyunan sa lalong madaling panahon baka mawala pa sa mapa ng mga turista ang isla.

‘Hindi na dadayuhin para puntahan!’ 

Sa ngayon maraming sabik na turista maging madlang pinoy ang gustong magpunta sa Boracay lalo’t summertime para makita ang mala-paraisong isla at malinaw na karagatan upang magpasaya dito.  

Kahit mahal ang mga bilihin at tsibugan blues wala silang pakialam.

Ayon sa mga local people ng Boracay matagal na nilang dinadaing ang bantot at dumi ng tubig sa isla pero nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan lamang at walang ginagawang aksyon diumano ang people of the government nila dito?

Naku ha!

Bakit kaya?

Nagulantang kaya kumilos ang buong puersa ng mga ahensiya ng gobierno  matapos manggalaiti sa galit si Boss Digong na ipasasara niya ang sila sa madumi ang karagatan.

Sabi niya ‘cesspool’ ang Boracay!

Kaya naman mabilis pa sa alas-kuatro gumalaw ang mga opisyal ng gobierno sa takot na baka sila ay masibak.

Ika nga, nagbigay ng 6 months ultimatum si Boss Digong sa Boracay.

Umaboso kasi ang mga kamoteng establishments owners todits kaya ayon natataranta kung ano ang puedeng gawin.

Sa dagat kasi nila tinatapos ang kanilang dumi at ang masama pa dito mukhang may taga - gobierno ang kunsintidor sa ginagawa ng mga hunghang.

Bakit kaya?

Siguro sa pera?

Sana ang madlang business owners at local government na sangkot sa nangyayaring aberya sa Boracay ay parusahan ni Boss Digong kahit kaalyado pa sila.

Ang mga lumabag sa easement regulations ay dapat dagukan este mali gibain pala.

Sabi nga, wasakin ang sobra!

Ang mga naglagay ng gusali sa timberland area ay ‘windangin’ na agad kasi dapat wala ito dito.

Ika nga, bawal ito!

May utos si Cimatu, na isara ang 300 establishments sa Boracay dahil nakitaan ito ng mga paglibag este mali paglabag pala.

Sabi nga, ginagawa nilang tapunan ng ebak at dumi ang dagat!

‘Ano ang mainam gawin para maayos ang magandang karagatan ng Boracay?’ tanong ng mga taga - cityhall na patulug-tulog.

Sagot - takpan daw ang mga puwit ng mga baboy sa katawan na tutungtong sa isla para hindi magkalat? Hehehe! Abangan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with