^

Metro

Kotse salpok sa poste: Lolong trader patay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lolong negosyante nang sumalpok sa konkretong poste ang minamaneho nitong BMW matapos ito umanong atakihin sa puso sa Taguig City, ayon sa pulisya.

Sanhi ng matinding pinsala sa katawan, dead-on-arrival sa Saint Luke’s Hospital, Bonifacio Global City (BGC), Fort Bonifacio ang biktimang si Alex Fernandez, 64, nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-5:00 ng umaga sa 8 Forbes Town, harapan ng Robinson Selections, BGC, Fort Bonifacio, Taguig, City.

Ayon sa pinsan ng biktima, na isang retiradong opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakilala sa pangalang Mrs. Sabastian, nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang BMW na may plakang NQO-820 at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay inakate ito sa puso.

Dahilan upang hindi na nito makontrol ang mina­manehong kotse hanggang sa sumalpok sa isang konkretrong poste.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with