^

Metro

6 na ‘Ativan’ nambiktima sa Chinese, arestado

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng ‘Ativan gang’ ang nadakip ng mga pulis matapos biktimahin ang isang Chinese national sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang mga suspect na sina Lyzander Cantoria; James Soriano; Analyn Castro; Aurora Balais; Heraclea Sison at Loraine Roa.

Kinilala naman ang biktimang si Zhu Cao.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Police Senior Supt. Gerry Umayao, naganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa harapan ng PNB Bank sa kahabaan ng Buendia Avenue, Brgy. Palanan ng naturang lungsod.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang mga pulis sa naturang lugar nang mapansin nila ang dalawang babae na tila ginigitgit ang isang lalaki sa isang ATM  machine, na  mistulang pinipilit ito na mag-withdraw ng pera.

Napansin rin ng mga pulis ang isang MEINA taxi (UVE-394) na nakaparada sa malapit at mayroong dalawa pang babaeng nagsisilbing lookout, habang mayroong dalawang lalaki sa loob nito.

Nilapitan ng mga pulis ang dalawang babae at isang lalaki sa ATM, ngunit nagkukumahog ang mga itong lumayo at iniwan ang lalaki, na napag-alamang ang biktimang Chinese national na bagamat lasing at antok na antok dahil sa pinainom na gamot ay naikwento nito ang insidente.

Dahil sa hindi pa nakakalayo ang mga suspect ay agad itong nadakip ng mga awtoridad.

Ayon sa biktima mag-isa lamang siya sa Pilipinas, na magkakasama sila ng mga suspect na nag-iinom.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with