^

Metro

Lolo ‘di nag-ambag sa inuman, tinarakan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 60-anyos na lalaki makaraang saksakin ng isa sa kanyang kainuman dahil umano sa hindi pag-aambag ng una sa ininom nilang beer sa loob ng isang eatery sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang nakilalang si Juanito Torion, residente ng Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, ng naturang lungsod. Nagtamo siya ng mga saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na si Omek Casalay, 39, pedicab driver, at naninirahan sa Kadima Letre, Brgy. Tonsuya, ng parehong lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO2 Aaron Blanco at P01 Joenel Claro, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilang kaibigan sa loob ng isang eatery sa may C. Arellano St. sa Brgy. San Agustin nang magkaroon ng pagtatalo matapos na maglasingan dakong alas-8 ng gabi.

Bigla na lamang umanong umalis sa inuman si Torion nang hindi naglalapag ng kahit isang sentimo na ambag niya sa kanilang nainom. Dito siya sinundan ng suspek at pinagsasaksak sa labas ng eatery.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with