Bistado sa sulat-kamay
Narito ang ilang palatandaan ng taong bigong-bigo sa kanyang buhay:
1--Siksikan at maliliit ang letra.
2--Ang horizontal line sa small letter t ay nasa ibaba at madiin ang pagkakasulat.
3--Naka-print (hindi kabit-kabit) ang sulat-kamay gamit ang small letters at pagkatapos ay madiin ang pagkakasulat.
4--Ang pirma ay nakapaloob sa circle o loop.
Mga iba pang ugali:
5--Kung ang iyong capital letter I ay isinusulat mo nang mas maliit kaysa iba pang capital letters—kulang ang tiwala mo sa iyong sarili.
6--Kung ang iyong capital letter I ay mas malaki nang kaunti kaysa ibang capital letters o magkakapantay ang size ng capital letter I sa iba—may sapat kang tiwala at respeto sa iyong sarili.
7--Kung sobra ang laki ng capital letter I kaysa ibang capital letters—marami ang naiinis sa iyong kayabangan.
- Latest