^

Probinsiya

Establisimyento hinoldap: 2 suspek huli

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang dalawa sa apat na armadong kalalakihan matapos nilang holdapin ang kilalang establisi­myento sa Brgy. Bagong Barrio, bayan ng Pandi sa lalawigan, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang na-biktima na si Precy Racho, 55, stay-in cashier ng United Asia Integrated Farm at residente ng Brgy. Bagong Barrio sa naturang lugar.

Ang mga naarestong suspek ay sina Joshua Pitogol at Angelo Rosada, kapwa ng Brgy.Virgen Delos Flores, Baliwag.

Sa ulat ni P/CInsp. Manuel De Vera ng Pandi PNP dakong alas-10:30 ng umaga,  nagpunta ang apat na suspek sa puwesto ng biktima lulan ng dalawang motorsiklo at nagkunwaring interesado sa pagbili ng mga binebentang hayop na agad namang pinayagang pumasok ng nakatalagang sekyu sa lugar.

Pagpasok ng mga suspek sa opisina ng biktima, dito na siya agad tinutukan ng baril saka tinalian ang mga kamay at paa nito. Mabilis nilang kinuha ang hindi pa mabatid na halaga ng pera na nasa loob ng drawer at saka tumakas. 

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang dalawa sa bayan ng Baliwag at narekober ang ginamit nilang sasakyang motorsiklo. Tinutugis pa ang dalawa nilang kasamahan habang sinisilip ng pulisya ang anggulong “inside job” sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with