^

Pang Movies

Leila mina-manage ni Ogie!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malaki nga ang pagkakahawig kay Selena Gomez ng anak ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid. Kaya hindi maiwasang tawagin at sigawan siyang Selena ng fans.

Siyempre proud si Leila na sabihing kahawig nito ang American pop singer, pero gusto rin makilala ni Leila sa sarili niyang imahe at music. Lalo pa ngayong pumirma na ito ng kontrata sa Star Music.

Nasa mabuting kamay si Leila dahil bukod na nasa repestadong music record label siya, ang manager nito ay walang iba kung hindi ang master singer-songwriter na daddy niyang si Ogie.

Nakalatag na agad ang first single nito na may title na Completely in Love na kinompose at produced ni Marion Aunor na ilalabas sa February 23.

Aminado si Leila na magiging proud siya kung mabibigyan ng pagkakataong gawan ng sariling version ang songs ni Regine Velasquez lalo na ang mga kinompose ng daddy niya.

Magiging challenge rin kay Ogie na sumulat ng songs para kay Leila upang maabot ang millennials fans. Masaya at nagpapasalamat naman si Leila sa kanyang blessings na maging bahagi ng Star Music at kumanta ng OPM.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with