7 NPA, 35 suporter, sumuko sa military
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Pitong teroristang New People’s Army (NPA) at 35 tagasuporta ang sumuko sa mga awtoridad sa lalawigan ng Masbate, ayon sa ulat ng Southern Luzon Command.
Ayon kay SOLCOM Commander Lt. General Danilo Pamonag, isinuko rin ng NPA ang kani-kanilang armas sa 2nd Infantry Battalion, 903rd Infantry Battalion, 9th Infantry Division ng Phil. Army.
Kabilang sa mga armas na isinuko ay dalawang M16 Armalite rifle, cal. 30 Garand, tatlong cal. 38 revolver, cal. 45 pistol at improvised explosive device (IED).
Kasunod nito, sumuko naman ang 35 miyembro ng Militiang Bayan na supporter ng NPA sa Bicol Region gayundin ang kanilang anim na baril.
Ang mga sumukong terorista ay sasailalim sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) upang mapagkalooban ng pera kapalit ng kanilang armas na isinuko, livelihood assistance at iba pang social benefits.
- Latest