Lalaki nakuryente sa pagkuha ng niyog
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang 38-anyos na si Victor Manago Calgas, ng Brgy. Digson, Bonifacio, Misamis Occidental matapos na aksidenteng makuryente habang nangangarit ng niyog sa Brgy. Sumalig, Tambulig, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa nasabing lugar bandang ala-1:00 ng hapon na kung saan ay kasalukuyang nangangarit ng niyog ang biktima sa niyugan na pag-aari ni Ferdinand Macquling nang aksidenteng maputol ang service drop ng live wire sa poste ng kuryente nang tamaan ng bumagsak na bunga ng niyog.
Pinulot ng biktima ang nalaglag na bunga ng niyog na tumama sa live wire bunsod upang makuryente ito.
- Latest