Bagong Skyway toll plaza bubuksan
MANILA, Philippines - Bubuksan ng Skyway O&M Corporation, operator ng Skyway System, ang bagong Runway Toll Plaza sa northbound section of elevated Skyway na malapit sa NAIA Airport on-ramp sa darating na Enero 26.
Ang naturang bagong toll plaza ay mayroong tatlong lanes para sa mas mabilis na Electronic Toll Collection (ETC) system at apat na cash lanes na merong limang teller kada lane. Ito ay makakabawas sa traffic dahil sa mas mabilis na toll collection.
“At Skyway, traffic volume is a reality we all have to contend with. But for our part, we continue to look for ways to manage traffic better,” wika ni Ramon S. Ang, presidente ng San Miguel Corporation, parent unit ng Skyway O&M.
“This new toll plaza is an enhancement to the Skyway that we initiated in order to facilitate more efficient toll collection. With dedicated ‘ETC’ lanes and ‘Cash’ lanes that can accommodate more tellers per lane, we’re hoping to improve traffic throughout at the toll plazas,” dagdag pa niya.
Sa pagbubukas ng Runway Toll Plaza, ang mga pagbabago ay:
Ang lahat ng sasakyan na may Electronic Toll Collection RFID stickers at manggagaling sa Alabang, Dr. A. Santos (Sucat) at Doña Soledad (Bicutan) ay tuloy sa paggamit ng RFID lanes sa entry points at lalabas sa dedicated “ETC”lanes sa bagong toll plaza.
Ang mga sasakyan na magbabayad ng cash mula Alabang at South Luzon Expressway at dadaan lamang sa Alabang elevated toll plaza at magbabayad na sa cash lanes ng Runway Toll Plaza.
Ngunit upang mabawasan ang build-up sa bagong cash lanes sa Runway Plaza, ang mga sasakyan mula sa Sucat at Bicutan na magbabayad ng cash ay sa ilalim pa rin ng “upon entry”.
Sa paglabas sa cash lanes ng bagong toll plaza, ang mga motorist galing sa Sucat at Bicutan ay kailangan lamang mag-abot ng QR-coded stub attached sa kanilang resibo sa teller. Ito ay parehong sistema sa mga ambulant vendor sa toll plazas.
Sang-ayon sa Skyway, mas mapapabilis nito ang pagpapaproseso ng mga sasakyan bagamat inaamin nito na maaaring magkaroon ng kaunting adjustment.
- Latest