^

PSN Palaro

Catalan tiwalang mananalo sa Chinese fighter

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni Rene “The Challenger” Catalan na magwagi laban kay Peng Xue Wen ng China sa kanilang three-round strawweight undercard sa ONE: Kings of Courage sa Enero 20 sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.

Malakas ngayon ang kumpiyansa ng dating wu­shu sanda standout bunga ng  kanyang second round armbar panalo laban kay Adrian Matheis ng Indonesia noong Enero at kay Bu Huo You Ga ng China via unanimous decision noong Hulyo  ng nakaraang taon.

“I am exerting a tremendous amount of effort in training. I want to keep on winning,” ani Catalan. “I am inspired to win my match this coming January 20 because I am represen­ting the Philippines. It is always an honor to fight for my country. My goal in this bout is to win and bring pride to my nation,” sabi pa ni Catalan.

Mula nang matalo kay ONE strawweight world champion Alex “Little Rock: Silva, rumatsada si Catalan ng tatlong sunod na panalo mula 2016 para umakyat sa itaas ng kumpetisyon.

“I have a certain game plan, but I am prepared to defend against his wrestling style ,” dagdag ni Catalan.

Si Peng ay isang da­ting Chinese national youth Greco-Roman wrestling champion noong 2014, na nagsimula sa ONE: Legends of the World sa Manila noong Nobyembre.

Kung mananalo si Ca­talan malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng tsansa na makalaban ulit sa isang ONE Strawweight World Championship si Silva.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with