^

PSN Opinyon

Sahod ng pulis grabeng taas!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon
Sahod ng pulis grabeng taas!

KUNG abo’t langit man ngayon ang kaligayahan ng mga pulis at sundalo, naglalagatikan naman ang mga ngipin sa galit ang mga kaawa-awang mga guro. Kasi nga,  sa darating na January 15 matatanggap na ng mga pulis at sundalo ang dobleng pagtaas ng kanilang sahod na ipinangako ni Pres. Rodrigo Duterte. Kaya wala nang dahilan pa na gumawa pa ng anumang panghaharabas at pagkasangkot sa mga illegal activities dahil kayang-kaya na nilang buhayin ang kanilang pamilya sa legal na take home pay. At upang sa kalinawan ng lahat narito ang draft ng adjustment sa sahod ng mga pulis kasama na riyan ang kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Ang masakit nito tatlong heneral at 70 pulis ang sisibakin ni Duterte dahil sangkot sa katiwalian at droga, hehehe! Malaking bagay na ito sa mga pulis at sundalo  kung tutuusin dahil mabibigyan na nila ng magandang pamumuhay ang kanilang mga pamilya na di sumasawsaw sa illegal activities. Di ba mga suki? Kaya hindi kataka-taka na ibabalik ng PNP ang “Oplan Tokhang” kasi ito ang pangunahing programa ni Duterte.

Nagsimula nang magpakita ng puwersa ang hanay ng mga guro sa harapan ng tanggapan ni DBM secretary Benjamin Diokno. Kasi nga si Diokno umano ang bumaril sa umentong ipinangako sa kanila ni Duterte. Hindi naman kaila sa atin na ang ina ni Duterte ay dating “maestra” kung kaya ang puso niya ay malapit rin sa mga guro. Malaki naman ang papel ng mga guro kung election at tuwing may kalamidad subalit pagdating sa umento, nahuhuli sila sa pansitan. Kung sabagay may katwiran din naman si Diokno na di maibigay ang budget sa umento ng mga guro dahil walang pondong pagkukunan, di tulad ng sa pulis at sundalo na nagawan ng paraan sa nakokolektang buwis.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with