Pagrerehistro sa mga lumang sasakyan tuloy - LTO
MANILA, Philippines — Panahon na ng pagrerehistro ng mga sasakyan ngayong Enero para sa lahat ng private at public utility vehicles na may ending 1.
Gayunman, ayon sa mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO), patuloy nilang nairerehistro ang mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga lumang jeep na apektado ng phase out dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na utos mula sa Department of Transportation (DOTr) kung hindi na o irerehistro pa rin nila ang mga pampublikong sasakyan na may 15 year old model gaya ng mga lumang pampasaherong jeep, bus, AUVs at taxi.
Kailangan anilang may malinaw na polisiya na ipalalabas ang DOTr para rito upang makakilos sila ng ayon sa ipatutupad na phase out sa mga 15 year old pataas na mga kakarag-karag at luma ng mga public utility vehicles.
“Dito sa LTO hindi kami pwedeng mag-reject ng renewal ng rehistro ng isang unit kahit 15-year old model ang sasakyan kung may maipapakitang confirmation clearance galing sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at pasado sa inspection,” ayon sa LTO.
Unang sinabi ni DOTr Undersecretary Thomas Orbos na hindi lamang jeepney kundi maging ang mga bus, taxi at AUVs na may lumang modelo ang tatanggalin sa kalsada o ipe-phase out ng gobyerno sa ilalim ng modernization program epektibo Enero 1, 2018.
May 10 milyon ang nakarehistrong sasakyan sa LTO nationwide na magrerenew ng rehistro ngayong 2018 at mahigit 800,000 dito ay mga pampasaherong sasakyan.
- Latest