^

Para Malibang

Katagang Mahirap Sabihin sa Asawa

Pang-masa

Ang katagang “I need you” o “kailangan kita” ang sinasabing pinakamahirap bigkasin ngayon sa isang relasyon.

Samantalang noong unang nagliligawan pa lang kayong dalawa ay effortless na nasasabi ito sa taong nagpapasaya sa iyo. Nasungkit ang matamis niyang oo sa paniwalang ikaw din ang kailangan niya sa kanyang buhay. Dahil ikaw din ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa kanyang mundo hanggang makasal kayo.

Pero bakit inagaw ng sobrang familiarity ang sense ng salitang kailangan mo ang iyong misis o mister. Nagkanya-kanya ng landas sa inaakala kung ano ang best para sa sarili. Talaga bang kaya mo nang mag-isa na kahit nandiyan si misis o mister pero ang layo ninyo sa isa’t isa.

Nasa disenyo ng Panginoon na pagbuklurin at pag-isahin ang mag-asawa dahil hindi magandang nag-iisa lang ang lalaki o babae. Huwag hintayin na huli na ang lahat bago magising sa katotohanan na kailangan mo si misis o mister. Hindi lang sa pagpapalaki ng mga anak, kundi ng kabuuan ng pamilya.

Bakit hindi aminin kay hubby o wifey na kailangan mo siya tuwi-tuwina, hindi lang kung araw ng suweldo.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with