Opisyal ng Navy nasabugan nang pinamigay na paputok
MANILA, Philippines — Isang tinyente ng Philippine Navy ang dinala sa ospital matapos aksidenteng masabugan ng pinamigay nitong paputok sa kanilang lugar sa Sangley Point, Cavite City, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima ay kinilalang si Lieutenant Kenneth Villanueva, 38, ng Sangley Point, Cavite at nakatalaga sa isa sa mga tanggapan ng Philippine Navy sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang biktima ay nasabugan ng paputok sa dalawang kamay, mukha at katawan na mabilis na isinugod sa Bautista Hospital.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) IV-A, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Brgy. 24 Caridad, Cavite City ay lulan ang biktima ng kaniyang kulay pulang Toyota Altis (XSM 737) at namamahagi ng mga paputok sa mga bystanders sa lugar nang mangyari ang insidente.
Ayon sa mga testigo, namumudmod ng paputok ang biktima nang sumambulat sa dalawang palad nito ang ipinamamahaging papupok.
Pinaniniwalaan namang nag-init sa loob ng unahang bahagi ng behikulo ng biktima ang mga paputok na kanyang inipon para ipamigay.
- Latest