Malamig na panahon, naitala sa Baguio
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng malamig na panahon ang Baguio City kahapon na unang araw ng bagong taon.
MANILA, Philippines — Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), umabot sa 12.2 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ganap na alas-6:00 ng umaga kahapon na mas malamig kaysa sa 12.4 degrees Celsius na temperatura noong Disyembre 31.
Nakapagtala naman ang Pagasa ng may 21.1 degrees Celsius na lamig ng temperatura nitong Enero 1 ng alas-6:00 ng umaga sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila na noong Disyembre 16, 2017 ay naitala ang pinaka-malamig na panahon sa Baguio City at Metro Manila.
Sa Baguio City, umabot sa 11.5 degrees Celsius ang temperatura at 21.0 degrees celcius naman ang temperatura sa Metro Manila bandang ng alas-5 ng umaga.
Ayon sa Pagasa, magpapatuloy pa ang malamig na panahon sa bansa hanggang sa Pebrero ng taong ito dahil sa pagtutunaw ng yelo sa mga bansang nasa silangan tulad ng Japan.
- Latest