^

Police Metro

Maling target niratrat ng pulis, tanod 2 patay, 2 sugatan...

Joy Cantos - Pang-masa
Maling target niratrat ng pulis, tanod 2 patay, 2 sugatan...

Sinisiyasat ng SOCO ang bangkay ni Junmar Hayaon nang pagbabarilin ng mga pulis at tanod ang Mitsubishi Adventure na maghahatid sana sa isang ginang sa ospital matapos na mabaril sa unang insidenteng naganap sa Wack-wack, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Joven Cagande

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga pulis at barangay tanod ang isang AUV na inakalang doon nakasakay ang armadong suspek na namaril naganap kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City police chief Senior Supt. Moises Villaceran Jr., na nagkamali ang kanyang mga tauhan sa pagbaril sa isang Mitsubishi Adventure na sinasakyan ng biktima ng pamamaril na si Jonalyn Ambaon na dadalhin sana sa ospital.

Binaril sa ulo si Ambaon sa isang construction site sa Addition Hills na namatay kalaunan sa ospital habang ang construction worker  na si Jomar Hayawon ay namatay noon din dahil sa pagbaril sa sasakyan.

Nasugatan naman ang live-in partner ni Ambaon na si Eliseo Eluad at ang driver ng AUV na si Danilo Santiago.

Bago ito ay binisita  ni Ambaon ang kaniyang live-in partner na si Eluad alyas Bobot sa construction site sa Mandaluyong City College Freedom Park, Brgy. Addition Hills na kung saan ay nakaaway ng huli ang grupo ng isang Albdulrakman Alfin.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay pinaputukan ng grupo ni Alfin ang  grupo ni Eluad na  kung saan ay tinamaan sa ulo si Ambaon.

Mabilis na isinakay si Ambaon sa kulay pu­ting Mitsubishi Adventure (WNX-737) para dalhin ito sa ospital, subalit hu­mingi ng tulong si Alfin sa mga tanod ng Brgy. Addition Hills at inireport na may sakay na mga armadong kalalakihan ang SUV na humingi  naman ng ayuda sa mga pulis sa Police Precint 1 ng Mandaluyong City Police.

Hinabol ng mga pulis at tanod ang behikulo at nang abutan sa Shaw Boulevard, Brgy. Old Wack Wack ay pinaputukan ng barangay tanod na si Gilbert Gulpo.

“Ang akala ng mga tanod ito ang bumaril, kaya ang ginawa nila hinabol nila, pinutukan. Pagdating ng pulis, ang akala ng pulis natin kasama ito sa mga bumaril doon, ‘yung tinuturo ng tanod,” wika ni Villaceran.

Nabatid na tinangkang buksan ng mga biktima ang pinto ng sasakyan at sumigaw na sila ay patungo sa ospital para dalhin si Ambaon, subalit hindi tumigil sa pagpa­putok ang mga pulis.

Lumalabas din na nagsinungaling ang mga barangay tanod sa mga pulis na rumesponde sa pagsasabing sumakay ang mga suspek sa Adventure na puti at tumakbo na walang kaalam-alam ang mga una ay kaaway ng grupo ni Alfin.

Ayon sa mga nakaligtas na inakala nilang sila ay tutulungan ng mga dumating na barangay tanod, pero pinagbabaril sila ng mga ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with