^

Pang Movies

Coco inspirasyon sina FPJ at Bong

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Coco inspirasyon sina FPJ at Bong

Coco Martin

Lahat halos ng walang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2017 ay matunog na pinag-uusapan last Dec. 23 sa Muntinlupa City.

Sa bagay, puro may big K kasi dahil lahat ay magaganda ang story at execution. ‘Yung Ang Panday ay hindi pagtatakhan na kung saan naiibang Coco Martin ang mapapanood, ibang-iba na ang akting ni Coco, mas lalong gumagaling sa stunts at action star talaga ang dating.

Nag-ensayo itong mabuti bago nag-shoot, dalawang icon ang ginaya niya, una, ang original na Panday,  ang yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. Pangalawa, si Bong Revilla na gumawa rin ng Ang Panday na produce ng movie outfit ng kanyang pamilya, ang Imus Productions at take note.

Sa Panday ni Coco na siya rin ang direktor sa pangalan na Rodel Nacencieno, anong expektasyon? Well, on going pa rin ang showing ng walong movies ng MMFF kaya ‘yung mga gusto pang makapanood ay go na sa mga sinehan. Maligayang Pasko!

Aiai masayang-masaya ang naging pasko

The happiest woman and woman of the year, none other but AiAi delas Alas. Natagpuan na rin niya ang totoong happiness sa lalaking mamahalin niya at mamahalin siya forever. Ikinasal na siya kay Gerald Sibayan. Humahagulgol daw si AiAi nung ikasal siya, umiiyak as in hagulgol ng kaligayahan at walang pagsisisi na siya ay nagpakasal sa lalaking totoong nagmamahal sa kanya at sa kanyang mga anak.

God loves you kasi Ms. Ai, knows niya kung sino ka sa totoong buhay.

Congratulation! Super merry Christmas!

Hospital sa Laguna parang dekorasyon lang

Ang bilis ng panahon, after five days ay New Year na, 2018 na. Am sure bagong buhay! God is good! All the time, alam niya ang para sa tao. Me, ang wish ko at dasal ay mabawasan na ang mga mahihirap at nagugutom. Sana ay wala na masyadong nagpapalimos. At higit sa lahat kung magkasakit man tayo sana ay hindi ‘yung grabe, kasi mahirap magkasakit kapag wala kang datung!

May dasal ang lahat ng mga taga-Sta. Rosa Laguna, hiling nila sa Honorable Mayor Dan Fernandez na magkaroon ng kumpletong assistance sa mga kababayan niya, na magkaroon ng pasilidad, manpower, (doctors, nurse, etc.) gamot at lahat ng maysakit ay mabigyan ng emergency aid. Waley! Ang ganda kasi ng hospital at ang laki ng Community Hospital pero parang dekorasyon lang! Merry Christmas na lang po sa lahat! At manigong Bagong Taon!

Salamat at maligayang Pasko…

Salamat po sa mga ka-friendship na bumati sa amin ng Merry Christmas. Hindi ko na  o kayo iisa-isahin, pero nakalista kayo sa aking puso at isipan sa oras ng aking panalangin. Sa mga kinarolingan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) mga nag-join ng Christmas party, sa mga editors na pinagsusulatan namin, mga staff at publisher, malaking pasasalamat! Mabuhay po kayo! Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Pagpalain tayo ng Panginoong Diyos! Happy birthday Niño Jesus! (Maligayang Pasko po at masaganang bagong taon tita. – Salve A.)

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with