^

PM Sports

Wala pa ring katapat si Manny Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t unti-unti nang lumilipas ang lakas at bilis ni Manny Pacquiao sa nakaraang mga taon ay na­nanatili pa rin siyang wa­lang kapalit kung pa­ra­mihan ng world boxing belts ang pag-uusapan.

Nagkampeon ang 5-foot-6 1/2 na boksinge-ro sa walong magkaka­ibang weight divisions -- flyweight, super ban­tam­weight, featherweight, super featherweight, light­weight, light welterweight, welterweight at light middleweight.

At siya lamang ang pro­fessional boxer na nakagawa nito.

Ngunit noong Hulyo 2 ay naisuko ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title kay challenger Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Bris­bane, Australia.

Nakita ang kakulangan sa training ni Pacquiao dahil sa pagkakahati ng kanyang oras bilang Senador bukod pa ang height ad­van­tage ng 5’9 na si Horn.

Bagama’t may naka­saad na rematch clause sa kanilang kontrata kung sa­­an tanging sa Austra­lia lamang ito maaaring gawin ay hindi ito gi­na­mit ni Pacquiao para ma­ka­bawi kay Horn.

Noong Nobyembre 23 ay ipinaramdam ni Pacquiao ang kanyang interes na labanan si UFC superstar Conor McGregor sa isang boxing match sa su­sunod na taon.

Ito ay matapos ipos-te ng Filipino world eight-division champion sa kanyang Twitter at Ins­tagram ang litrato ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at nagrerelaks.

Ito ay nilagyan ni Pac­quiao ng caption na: “Happy Thanksgiving @TheNotoriousMMA Stay fit my friend. #realboxing­match #2018.”

Noong Agosto ay pi­nasuko ni Floyd May­wea­ther, Jr. si McGregor, tumanggap ng premyong $30 milyon, sa tenth round para sa kauna-una­hang boxing match ng pam­bato ng Ireland.

Bago pa man ang na­sa­bing laban ay sinabi ni Pacquiao sa isang pana-yam na maaari rin niyang la­banan si McGregor sa ibabaw ng boxing ring.

Wala pang reaksyon ang Irish fighter sa naturang paramdam ni ‘Pacman’.

Samantala, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions na hindi isang tunay na professional bo­xer si McGregor kaya bu­bugbugin lamang ni Pac­quiao ang MMA star sakaling maplantsa ang ka­nilang boxing fight.

“If we equate boxing with fighting -- because I’m not talking about his ability as an MMA parti­cipant because he has been very good with that -- Conor McGregor can’t spell fight,” wika ni Arum sa panayam ng CBS Sports sa isang episode ng “In This Corner” podcast.

Sa isang panayam ay ina­min ng 41-anyos na si Mayweather na sadya ni­yang inalalayan si McGre­gor para masabik ang mga fans sa kanilang laban.

“Everybody is trying to protest the Maywea­ther-McGregor fight but I’m going to tell y’all the truth. You know I carried McGregor. You know I made it look good for y’all,” ani Maywea­ther.

Ngunit para kay Arum, tiyak na pababagsa­kin ni Pacquiao si McGregor.

“Mayweather carried him before he took him out. With Manny, it wouldn’t be a contest, it would be a money grab,” sa­bi ni Arum. “Conor Mc­Gregor is not a boxer and does not know how to box. His stance is a stance of an MMA fighter who has to protect against kicks and takedowns. He is not competitive with any fighter no matter how old that fighter is.”

Umaasa si chief tra­i­ner Freddie Roach na mangyayari pa rin ang re­match nina Pacquiao at Horn sa susunod na taon bago tuluyang isabit ng 39-anyos na Fi­lipino le­gend ang kanyang boxing gloves.

Sina IBF flyweight king Donnie ‘Ahas’ Nie-tes, IBF light flyweight ruler Milan Melindo at IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas ang kasalukuyang kampeon ng ban­sa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with