^

PSN Showbiz

Bistek dedma sa naudlot na kasal nila ni Kris!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang reaction ni QC Mayor Herbert Bautista sa ginawang pag-amin ni Kris Aquino na dalawang beses umano siyang nag-propose ng marriage sa dating Presidential daughter/sister?

Kung sa unang proposal ay si Bistek (Mayor Herbert) ang umatras, sa ikalawang proposal ay si Kris naman daw ang umayaw.

Sina Bistek at Kris ay nagkita sa Rome, Italy habang si Kris ay nasa Pilgrimage. Si Bistek naman ay bahagi ng delegado ng peace panel ng pamahalaan noong magkita sila sa Europe.

Ces Drilon may iba nang pagkakaabalahan!

Maraming followers ng late night news program ng ABS-CBN na Bandila ang nabigla at nalungkot nang magpaalam ang isa sa mga original anchors ng programa na si Ces Oreña-Drilon na pinagsasamahan nila nina Julius Babao at Karen Davila. May bago kasi siyang posisyon na gagampanan, bilang Content Acquisition Head ng ABS-CBN’s lifestyle ecosystem group.

Taong 1989 nang unang mapabilang si Ces sa grupo ng News & Current Affairs ng Kapamilya Network matapos itong magsimula bilang news reporter sa MBS (now PTV4) noong 1985.

Napanood ng mga taga-News & Public Affairs ng Kapamilya Network ang naging coverage ni Ces noon sa pagkakahuli sa renegade soldier na si Col. Gregorio Honasan at na-impressed sila kaya in 1989 ay inimbitahan nila si Ces na makabilang sa news team ng ABS-CBN at ibinigay sa kanya ang senate coverage. 

Naging business correspon­dent din siya sa The World Tonight. Hindi nagtagal ay binigyan siya ng kanyang sariling programa along with Cathy Yap-Yang (now with Bloomberg Television Network) sa Usapang Business, isang week­ly business-oriented show pero hindi ito nagtagal sa ere due to budget constraint. Napabilang din si Ces sa Pipol, and The Corres­pondents. Naging co-anchor din siya sa Insider and eventually sa Bandila kung saan siya tumagal ng mahigit eleven years until her final episode last Thursday.

May mga pagkakataon ding nagiging alternate co-anchor si Ces ng TV Patrol hosted by Noli de Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano.

Gumawa rin noon si Ces ng impressive coverage ng Manila Peninsula siege na pina­ngunahan ng senador na ngayong si Sen. Antonio Trillanes.

Hindi rin makakalimutan ng publiko ang pagkaka-abduct noon kay Ces at sa kanyang news team ng Abu Sayyaf kung saan sila bihag sa loob ng siyam na araw bago sila pinakawalan noong June 27, 2008. Pagbalik ni Ces sa bakuran ng ABS-CBN ay pinatawan siya ng tatlong buwang suspension as news anchor sa Bandila dahil umano sa pagsuway sa Standard and Ethics Ma­nual bilang news anchor.

Ang news and public affairs ng ABS-CBN ay pinamumunuan pa noon ni Maria Ressa. October 2, 2008 na nakabalik si Ces sa pagiging co-anchor ng Bandila.

Si Ces ay hiwalay na sa kanyang mister, ang painter na si Rock Drilon, pamangkin ni Sen. Franklin Drilon. Ang da­ting mag-asawa ay may apat na anak na lahat lalaki – sina Ory, Miko, Gian, at Andre, all grown-ups and professionals.

Si Ricky Carandang na dating ANC anchor at Communications Secretary ng Aquino administration at balitang karelasyon ni Ces.

 AlDub minamadali na ng fans

Ilang araw na lamang at magtatapos na ang buwan ng Disyembre at ang taong 2017.

Ngayon pa lamang ay halos hilahin na ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga araw para sa muling pagbabalik ng dalaga sa Eat Bulaga.

May mga nagtatanong kung patuloy pa rin kaya ang pagiging sweet sa isa’t isa nina Alden at Maine or may ila­ngan factor na dahil sa naging open letter ni Maine kung saan niya inamin na magkaibigan at magka-loveteam lamang talaga sila ng Kapuso actor.

Since magpapatuloy ang loveteam at tambalan nina Alden at Maine at matutuloy din ang muli nilang paggawa ng pelikula, maging supportive pa rin kaya sa kanila ang kanilang fans knowing na hanggang loveteam at pagiging magkaibigan lamang ang kanilang relasyon?

Samantala, matutuwa ang fans nina Alden at Maine kapag nakita nila ang Phenomenal pair Meant to Beh, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vic Sotto at Dawn Zulueta kung saan ay kasama rin nila sina Baeby Baste, Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Gabby Garcia, at Ruru Madrid.

Cute ang eksena nina Alden at Maine na kamuntik pang magtukaan sa eksena nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with