Nunal(131)
“SIGE, bahala na bukas kapag nasa may ilog na tayo kung papayag ako na mag-posing din na kasama mo. Ang mahalaga e makita ko muna ang actual na posing mo para eksaktong madibuho ko sa kanbas,’’ sabi ni Mahinhin.
“Okey Mahinhin. Naniniwala ako sa mga sinasabi mo dahil mahusay kang artist. Gawin mo ang dapat sa painting.’’
“Nasa imagination ko na ang mga gagawin bukas. Positibo ako na maganda ang kahahantungan ng painting natin. Naiimadyin ko na lalong gaganda ang iyong obra dahil magkasama na tayo sa kanbas.’’
Nakangiting napatango si Mahinhin.
“Agahan natin bukas ang pagpunta sa may tabing ilog para hindi tayo abutin ng sikat ng araw.’’
“Sige. Babangon ako nang maaga.’’
KINABUKASAN, pasado alas siyete ay nasa tabing ilog na sina Mahinhin at Robert.
Pumili ng magandang lugar si Mahinhin. Nang makapili, inayos na ang paglalagyan ng kanbas. Tamang-tama ang klima. Malilim sa lugar.
“Maghuhubad na ba ako, Mahinhin?’’
“Sige!’’
“Haharap ba ako o tatalikod?’’
Nagtawa si Mahinhin.
“Siyempre tatalikod ka. Baka iba ang madibuho ko.’’
Pumuwesto na si Robert sa tamang distansiya.
“Okey ba ang posing ko, Mahinhin? Ganito ba?’’
“Okey perfect posing!”
Sinimulan ni Mahinhin ang pagpipinta.
(Itutuloy)
- Latest