^

PM Sports

FIBA World Cup malaking event sa 2023

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Ang pagdaraos ng prestihiyosong 2023 FIBA World Cup sa Pilipinas ay magiging napakalaking event tulad ng pagdating ni Pope Francis dalawang taon na ang nakakaraan.

“It’s like the Pope coming to Manila,” sabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa panayam ng FIBA matapos igawad sa Pilipinas, kasama ang Japan at Indonesia ang pangangasiwa sa naturang world championships.

“When the Pope came down a couple of years back, we had about six million people lining out on the streets in the heat of the sun and under heavy rain,” dagdag pa nito.

Noong Enero ng 2015 ay bumisita sa bansa si Pope Francis kung saan umabot sa pitong milyong tao ang sumaksi sa kanyang final mass sa Luneta.

Naniniwala si Reyes na ang pamamahala ng bansa sa 2023 FIBA World Cup ay dudumugin din ng mga Pinoy basketball fans at maging ng mga taga ibang bansa.

“Like we always say, in the Philippines, basketball is a religion,” wika ni Reyes. “So, there are a lot of believers, a lot of followers, and for the sport’s biggest competition to come to our country is really special for us.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatayong host ng FIBA World Cup ang Pilipinas matapos noong 1978 kung saan tinalo ng Yugoslavia ang Russia sa finals sa Araneta Coliseum.

Maglalaro sa Pilipinas ang 16 bansang kalahok sa 2023 FIBA World Cup habang tig-walong tropa naman ang makikita sa aksyon sa Jakarta, Indonesia at Okinawa, Japan.

Sa Pilipinas idaraos ang quarterfinals, semifinals at finals na isang gold medal game na gagawin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tinalo ng consortium ng Pilipinas, Japan at Indonesia ang two-country bid ng Argentina at Uruguay para sa hosting ng naturang basketball event na huling idinaos sa Seville, Spain kung saan sumabak ang Gilas Pilipinas.

Ang China ang tumalo sa Pilipinas noong 2015 para sa bidding ng 2019 FIBA World Cup.

“I think the cooperation with Japan and Indonesia has been unbelievable. They’re as much a part of this as we are in the Philippines,” ani Reyes sa Japan at Indonesia.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdaraos ng 2023 FIBA World Cup sa bansa ang magpapakita sa marubdob na pagmamahal ng mga Pinoy sa sports.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with