Ex-AFP chief Villanueva kinasuhan sa P53M refund
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan si dating Armed Forces Chief of Staff Diomedio Villanueva dahil sa umano’y anomalya sa P53 milyong refund niya sa isang kumpanya sa New York noong 2003 ng siya pa ang postmaster general.
Kapwa akusado ni Villanueva si dating Assistant Postmaster General Antonio Siapno at ang noon ay Accounting Department acting director Leonido Basilio.
Kaugnay ito sa pag-refund ng P53 milyon na binigay ng PPC sa Philpost USA na isang New York-based corporation na itinatag para sa remailing services sa mga American citizens gamit ang Philippine Postage Incidia.
Base sa reklamo ng Ombudsman, si Villanueva at ang mga kapwa niya akusado ay nagsabwatan ng mag-refund sila ng $1 million o P53 milyon sa nasabing kumpanya bilang terminal dues sa mga sulat na ipinapadala sa Royal mail sa United Kingdom.
Inakusahan din ang mga akusado na nag-facilitate sa pag-refund sa kabila ng kanilang kaalaman na ang Philpost USA ay hindi entitled na gawin ito na naging dahilan para magkaroon ng deficit sa kita ng PPC.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 bail bond para sa bawat isang akusado.
- Latest