^

Police Metro

Aquino officials kinasuhan ng plunder

Pang-masa

Sa isyu ng MRT contract...

MANILA, Philippines — Ilang matataas na da­ting opisyales ng Aquino administration ang inireklamo ng plunder at graft dahil sa P3.8-billion maintenance contract para sa MRT-3.

Pinangunahan ni Transport Undersecretary Reinier Paul Yebra ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga dating opisyales na sina Interior secretary Mar Roxas; Budget chief Florencio Abad; Transportation secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya; MRT General Manager Roman Buenafe; Finance secretary Cesar Purisima; ­Energy chief Jericho Petilla; ­Science and Technology secretary Mario Montejo; Defense secretary Voltaire Gazmin; Public Works chief Rogelio Singson; 
National Economic and Development Authority chief Arsenio Balicasa; Transportation undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco at Catherine Gonzales.

Nakasama si Roxas sa kaso dahil naging DOTC secretary muna ito bago naging DILG secretary ng Aquino administration na sinasabing may alam din sa naturang anomalya.

Si Abaya ay nahaharap na sa 2 pang graft complaints na ang isa ay isinampa ng Department of Transportation at ang isa ay mula sa mga militanteng grupo kaugnay ng maanomalyang MRT maintenance contract sa Busan Universal Rail (BURI).

Sinabi ni Yebra na ang mga dating opisyales ni Aquino ay isinama sa bagong kaso dahil sila ay bahagi ng procurement at policy board na nag-apruba ng BURI deal.

Kasama din sa kaso ang mga opisyal ng BURI na sina  Eldonn Ferdinand Uy, Elizabeth Velasco, Belinda Ong Tan, Brian Velasco, Chae-Gue Shim, Antonio Borromeo, Jun Ho Hwang, Elpidio Silvestre Uy, William dela Cruz, Eugene Rapanut at private respondent na si  Mario Dela Cruz na sangkot umano sa wed go conspiracy.

Umaasa naman ang Malacañang na agarang aaksyunan ng Office of the Ombudsman ang rekla­mong plunder na isinampa ng DOTr.

Magugunita na nitong November 6 ay ibinasura ng DOTr ang kontrata ng BURI bilang maintenance provider ng MRT 3.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with