^

Para Malibang

Pangalawang Anino (271)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

AYAW pa rin ni Yawan na umahon at harapin si Arturo.

“Hanggang hindi ko nararamdaman na kailangan na kailangan niya ako, hindi ako aahon. Ano’ng mapapala ko? Sasama lang siya sa akin dahil ayaw na niyang mahirapan si Nanette. Ibig sabihin no’n, pagtitiyagaan niya ako alang-alang sa pagmamahal niya kay Nanette.”

“Eh, ano? Basta ba nasa iyo si Arturo. Gusto mo ng lovelife, ‘di ba?”

“Iyung lovelife na masarap sa pakiramdam. Maganda ang dating sa puso ko. Dahil importante rin ako sa lalaking gusto ko.”

“Wow! Emotera ka na rin! Oy, di ka anghel o santa ... demonya ka!”

“Kahit demonya may feelings din.”

“Ano’ng sasabihin ko doon sa nasa itaas?”

“Sabihin mo, tunay na pag-ibig ang gusto ko. Hindi ‘yung napipilitan lang.”

“Baka nga bumalik na lang kay Nanette, talo ka.”

Pira-pirasong bato naman ngayon si Nanette, hindi ba? Wala siyang mapapalang init at pagmamahal. Kapag di kaagad ako lumalapit sa kanya at wala siyang nai-experience na pagmamahal kay Nanette, malulungkot siya. Maghahanap. Baka ako na ang hahanapin niya.”

“Hindi rin. Eh, Nanette forever ‘yon, e.”

“Kanino ka ba, ha? Na kina Nanette na nga ang una kong anino, pati ba naman ikaw kaduda-duda kung sa akin pa rin ang loyalty mo?”

“Hindi naman ako puwedeng lumipat doon sa kabila. Mula umpisa, ta­yong dalawa na ang kambal. Kaya huwag mo nang pagdudahan ang loyalty ko, Yawan.”

“Sundin mo na ang utos ko. Umahon ka at sabihin mo kay Arturo ang pinasabi ko.”

“Masusunod, Prin­sesang Demonya!”

SI ALONA ay kinatatakutan sa selda. Walang presong gustong makasama siya.

“Hindi kayo puwedeng magsiksikan sa seldang ito. Kailangan kalahati sa inyo ay lumipat doon sa selda ni Alona.”

“Sir, hindi na normal ang babaing ‘yan. Palibhasa demonya ang anak kaya nakakatakot na ‘yan. Eh, nagbanta ‘yan pag natulog kami ay kakagatin at kakainin daw kami. Bampira na ho yata ‘yan.”

“Ina lang siya ng demonya, hindi siya bampira.”

“Basta, Sir ... hindi ako sasama sa kanyang selda.”

“Walang sasama sa kanyang selda, Sir.”

Ang pinakamatapang at pinakamalaking babaing preso, si Lucinda, nag-volunteer. “Hindi ako takot sa nanay ng demonya! Isama n’yo ako sa kanya, kapag luluka-luka siya, babaliin ko siya sa baywang niya!”

 ITUTULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with