^

Punto Mo

Pinakamahabang bigote sa mundo, 18.5 talampakan ang haba at 37 taon nang hindi inaahit

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAIINGGIT ang mga kalalakihang hindi kayang magpatubo ng facial hair sa taglay na bigote ng isang lalaki mula Jaipur, India.

Umabot na kasi sa 18.5 talampakan ang bigote ni Ram Singh matapos niyang hindi ito ahitin ng 37 taon.

Simula pa noong 2010 ay hawak na ni Singh ang world record para sa pinakamahabang bigote sa mundo at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaagaw nito.

Nang taon na iyon, lumipad pa siya papuntang Rome, Italy para sa pormal na pagkilala ng Guinness World Records sa kanyang bigote bilang pinakamahaba sa mundo.

Isang beses lang kada dalawang linggo hinuhugasan ni Singh ang kanyang bigote ngunit dalawang oras naman daw ang kanyang inilalaan araw-araw para lang pahiran ito ng coconut at olive oil na magpapatibay sa tubo ng kanyang bigote.

Ipinaliwanag naman ni Singh na malaking bagay ang bigote at balbas para sa mga kalalakihan sa India kaya naman marami raw sa kanyang mga kababayan ang humahanga sa kanya.

Hindi lang daw mga pangkaraniwang tao ang namamangha sa kanyang bigote dahil kahit ang mga matataas na opisyal ng kanyang bansa ay pinupuri ito, kabilang na raw ang mismong Presidente ng India.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with