^

Para Malibang

Pangalawang Anino (259)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKAKAPANGILABOT ang tawa ng hari ng kadiliman. Tuwang-tuwa sa walang katulad na karahasan ng terorismong pinuproblema ngayon ng buong mundo.

“Maraming inosenteng maka-Diyos ang nalagas ng kalupitan at kasamaan. Ito ang panahon ng aking kapangyarihan! Mas malakas ako ngayon! HAHAHAHAAAA!”

Natuwa rin si Taga­pag-alaga. “Ano ang ibig sabihin nito, panginoon? Mapapakawalan mo na sa pagkakakulong ni Nanette sina Yawan at Yawanaya?”

“Natural! At mas marami pa silang magagawang kalupitan sa mga taong nananalig pa rin sa kanilang Diyos!”

“Maghahari na naman tayo! Napakahusay pa namang mga kampon nina Yawan at Yawanaya!”

Kumumpas ang hari ng kadiliman.

Umilaw siya ng pulang-pula. Ang kanyang mga sungay at mga mata, pati buntot pumula rin nang walang katulad. Nag-aapoy.

Dumapa si Tagapag-alaga sa harapan ng kanyang pa­nginoon. MAY narinig na napakalakas na parang nabasag na mga salamin sina Yawan at Yawanaya.

“Ano ‘yon?” Naalarma si Yawan.

“Palagay ko ... dapat nating i-check kung nakakulong pa rin ba tayo?”

Lumapit sila sa invisible wall na kanina ay ilang beses na nilang nakapa.

“Yawan! Wala na akong nakakapa! Hindi na yata tayo nakakulong! Subukan mo nga!”

Kinapa rin ni Yawan ang nasa tapat niya.

Napasigaw sa tuwa si Yawan. “Wala na rin akong makapa, Yawanaya! Tingin ko, makakalabas na tayo sa Itom. Tapos na ang pagbilanggo sa atin dito ni Nanette!”

“Halika na! Subukan na nating lumakad hanggang sa dulo ng Itom!”

“Sana naman hindi na tayo ililigaw ng buwisit na kapangyarihan ni Nanette!”

“Kung nawala na ang invisible wall de ba ang ibig sabihin lahat na kabuwisitang binigay sa atin ni Nanette dito sa Itom ay wala na rin? Mukhang tama na itong daan natin palabas, a!”

Narating nila ang bungad ng Itom, patungo na ito sa bayan ng mga inosenteng tao. Napangisi sina Yawan at Yawanaya. Itutuloy

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with